Martes, Hunyo 19, 2012

BALIUAG

Bayang kinalakhan
    Ang lugar na ito ay kung saan ako lumaki, nagka-isip at nagkaroon ng maraming kaibigan. Mararating mo ito sa pamamagitan ng bus o jeepney Sa pagpunta mo rito ay gagastos ka lamang ng humigit-kumulang 75 piso. Mainam na magdala ng camera para sa pamamasyal mo rito dahil marami kang bagay na dito mo lamang makikita. 
   Sa pagbaba mo sa sinasakyan mo ay una mong makikita ang simbahan ng Baliwag, simbahang Romano Katoliko na makikita sa gitna ng aming bayan.
     At sa harap ng simbahan paglabas ninyo ay makikita nyo ang rebulto ng mahal na birhen. Dito ay maaari kayong mag alay ng panalangin at ng bulaklak para sa kanya o magsindi na ng kandila kasabay ng inyong mga kahilingan. Sa tuwing dadaan ka sa harap nito ay marami kang makikitang namamanata, dahil tulad ng isng ina handa siyang makinig sa lahat ng oras. 
 Mga tagpo sa buhay ni Hesu Kristo



 Pagkakapako ni kristo sa krus

   Siguro sa Baliuag, Bulakan nyo lang makikita ang mahabang prusisyon na ito.Ginaganap lamang ito sa tuwing sumasapit ang banal na lingo at sa bawat dumaraan na karo sa harap mo ay maaamoy mo ang mga bulaklak at madarama mo ang pag-aalay ng buhay ni Hesu Kristo para sa sangkatauhan. Ang bawat karo ay magsasalaysay ng buhay at pagpapakasakit ng ating mahal na Diyos mula kapanganakan hanggang kamatayan. Sa bawat taon, bilang debusyon ng mga tao at pagkakaroon ng pananampalataya sa diyos ay marami ang mga nagpuprusisyon, isang maliit na paraan upang magpasalamat sa pag-aalay ng kanyang buhay para sa sangkatauhan.